Dawn Chang, handang sampahan ng kaso ang kolumnista na si Cristy Fermin dahil sa malisyoso nitong balita!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Cristy Fermin, sa February 10 episode ng kanyang entertainment show na ‘Cristy Ferminute’, ibinandera niyang ‘nakikipaglandian’ lang umano si Dawn kaya siya nabigyan ng trabaho sa ABS-CBN.

Nag-viral kasi ang post ni Dawn Chang at napukaw ang atensiyon ni Cristy nang maglabas ito ng kanyang saloobin patungkol kay Toni Gonzaga at sa pag-alis nito sa PBB. 

“It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insultèd and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano nyo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?” kanyang caption sa Instagram account nito.

Tinira naman siya ng entertainment host na si Cristy Fermin na dapat daw ay siya ang ma-bash;

“Naku Dawn Chang, gusto mong ibulgar ko kung ba’t ka nagkakaroon ng trabaho? Eh pa bash-bash ka pa. Ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss,” saad ni Cristy.

Ayon pa kay Cristy, karamihan daw kasi sa mga kasamahan ni Dawn ay sinasabihan si Toni ng “traydor,” at “walang delicadeza.” Matatandaan kasing sinabi ni Toni Gonzaga noong hindi ni-renew ang prangkisa ng ABS-CBN ay hindi siya makakalimot.

Ngayon naman ay naglakas-loob na ang aktres na sampahan ng kasô si Cristy sa mga ibinibintang na akusasyon nito laban kay Dawn na wala namang inilahad na pruweba at walang katotohanan. 

To put things in proper perspective, this quoted statement of Fermin was a malicious, hateful, and malevolent response to our clients’ prior responsible exercise of free speech., ayon sa abogado ni Dawn

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *