Dating janitor sa France ngayon ay may magarbo at napakalaking mansyon na sa Pampanga!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa nanamang nakakamanghang kuwento ng isang OFW ang nag-viral sa social media.

Ito ay ang kuwento ni Arnold Mojica, na sa kasalukuyan ay nasa Paris, France kasama ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki.

Photo: Facebook/Arnold Mojica

Taong 1993 nang makipagsapalaran si Arnold sa France. Siya ay naghanapbuhah doon hanggang sa magkaroon na ng maayos na papeles.

Madami umano silang naging trabaho sa France. Mula sa trabaho sa isang restaurant pati hanggang sa pagiging janitor. Patuloy lang daw sa pagtatrabaho si Arnold at ng kanyang misis.

Kaya naman nagbunga ang kanilang kasipagan at determinasyon sa buhay. Ngayon ay nakapagpagawa na sila ng napakaganda at napakalaking mansion sa Pampanga.

Napakarami ang napa-wow nang makita ang 3,000 square meters na lupain ni Arnold kung saan nakatayo ang kanilang napakalaking mansion.

Ang mansion umano ay may limang kwarto. Kaya namang mag-park hanggang sa apat na sasakyan ang kanilang parking lot.

Talagang isang inspirasyon si Arnold sa iba pa nating mga kababayang OFW na ipagpatuloy lang ang kanilang kasipagan at determinasyon dahil tiyak na magbubunga ito ng kaginhawaan sa kanila at sa kanilang pamilya balang araw.

Photo: Facebook/Arnold Mojica

Ipinalabas ang kwento ni Arnold Mojica sa programang Raffy Tulfo in Action. Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang “Hari ng public service” sa programa niyang ‘Wanted sa Radyo’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *