CRISTY FERMIN PINAGTRIPAN KILIKILI NI ANDREA BRILLANTES!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pinagpiyestahan ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kilikili ng rising young actress na si Andrea Brillantes na tinawag din niyang maldita.

Sa recent episode ng kanyang show na “Cristy Ferminute,” sinabi ni nito na trending si Andrea dahil sa ginawa nitong pag-flex sa kilikili sa kanyang Instagram account. 

Komento ni Cristy sa larawan ni Andrea ay tila mamasa-masa ang kilikili ng Kapamilya actress.

“Baka yung mamamasa-masa niyang kilikili dahil lang sa deodorant na ‘yan,” aniya.

Maraming fans ni Andrea ang nagreact sa sinabi na ito ng Cristy Fermin. Gayunman, pinuri ni Cristy si Andrea sa galing nito sa pag-arte sa kanyang mga teleserye 

“Magaling, sobra…Sa ‘Wag Kang Mangamba, ang galing-galing niya. Mas may dating nga siya sa akin kaysa dun sa kasabayan niya, yung ka-temporary niyang si Francine,” aniya.

“Gustung-gusto ko rin ang mukha ng batang iyon (Francine). Ito (Andrea) malditiks itey e, di ba? Maldita itey,” dagdag ni Cristy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *