Chie Filomeno, may pinariringgan? ‘Eh di na back to you ka ‘di ba? Because karma izzz real’

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Trending ngayon sa Twitter ang tila ‘parinig’ ng dating miyembro ng ‘GirlTrends,’ at ex-Pinoy Big Brother (PBB) celebrity housemate, at ngayon ay calendar girl ng Ginebra na si Chienna Filomeno.

Naging usap-usapan ang tweer ni Chie nitong Pebrero 17 ng hapon, mukhang ang taong pinatatamaan niya ay nagagàlit dahil nasisira ang reputasyon nito dahil sa kagagawan ng ibang tao—bagay na ginawa umano nito noon kay Chie.

Funny how you’re so mad someone is ruining your reputation, yet that’s what you’ve been doing to me for the longest time,” tweet ni Chie.

Hindi pa natapos diyan ang pasaring ni Chie. Sa isa pang tweet, sey niya na ‘karma is real’ daw!

Photo Courtesy: Twitter/ Chie Filomeno

“Do not do unto others what you do not want others do unto you. Edi na back to you ka diba? Because karma izzzz real. Shhh na nga ako 😋🤣 kbye,”dagdag pa nito.

Bagama’t wala namang pinangalanan, hula ng mga netizen kung ‘sinetch itey’ ay ang dati niyang kasamahan sa GirlTrends na si Dawn Chang. Matatandaan sa mga interview ng dalawa noon ay nagkaaminan sila na may gusot ang relasyon nila sa isa’t-isa. Nag-viral si Dawn Chang kamakailan ng dahil sa pagpapahayag nito ng damdamin laban sa ex-pbb host na si Toni Gonzaga at matapos ito ay marami na ang nang-intriga kay Dawn. Isa na dito ay ang kolumnista na si Cristy Fermin-‘ispluk nito kung paano raw siya nagkakatrabaho, na nag-ugat naman sa pagtatanggol nito sa pahayag niya laban kay Toni Gonzaga.

Photo Courtesy: Twitter/ Chie Filomeno

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizen:

ANG TAONG MATAGAL NA NAHIMIK PAG SUMABOG PARANG BULKAN KAYA wag nyo subukan PAG LUMABAN YAN TIYAK IKAW MISMO ANG SASABOG. HAHAHHAHA i love you ANCHIE 🤎👏.”

“Pag binato ka ng dance steps batuhin mo rinng malalang dance steps. Charot hahaha.”

“I’m not Marites pero letter D name nya! Grabe yun manghusga!Natigil pa si Chie ng ilang taon para magpahinga dahil sa bashing dahil pgkakamali nya lang sa isang sayaw!At yung baguhang artista na galing rin sa BNK akala mo sino na umasta when she spreads hate and bash towards Chie!”

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kay Chie kung tugma ba ang hula ng mga netizen. Maging si Dawn Chang ay wala pang reaksyon tungkol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *