Brenda Mage at Madam Inutz naging topic si Alexa Ilacad: ‘Wala siyang silbi, ganda lang talaga’

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

May panibago nanamang eksena sa loob ng Bahay ni Kuya na talaga namang nagtrending dahil sa mga patutsada nina Brenda Mage at Madam Inutz laban sa kapwa celebrity housemate nilang si Alexa Ilacad. Napag-usapan ng dalawa si Alexa Ilacad kung saan ibinahagi nila ang kanilang saloobin sa dalaga at kung ano nga ba ang ginagawa nito para ika-panalo ng kanilang team. 

Kaya naman mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang tila mga paratang ng komedyanteng si Brenda Mage habang nag-uusap sila ni Madam Inutz na nakunan sa 24/7 stream ng “Pinoy Big Brother” season 10 sa Kumu. 

“Zero lagi ambag. Kanina sa tingin mo, may ambag ‘yung lakas niya. Wala siya ambag,” ayon pa sa komedyante.

“Tsaka sa lahat ng task wala naman siyang ambag. ‘Yun lang sa play, kanta lang, sirena siya,” dagdag pa ni Brenda

Kasunod nito, sinabihan din ni Brenda si Alexa na puro ganda lang, “Wala siyang silbi, ganda lang talaga. Sa HOH laging lampa. Sa lutuan naman walang kwenta. Panay tago pa ng tinapay. Panay lamon pa. 

Photo Courtesy: Facebook/ PBB (left) Alexa Ilacad(right)

“Kapag kumakain tayo, hindi nagpapaalam kain na agad wala pang prayer. ‘Yun lang ambag niya, loveteam-loveteam. Pero siya lagi nase-save,” katwiran ni Brenda Mage.

Samantala, napag-usapan din nina Madam Inutz at Brenda ang magaganap na double eviction night sa darating na linggo kung saan dalawa kina Alexa, TJ Valderrama, Samantha Bernardo, Karen Bordador ang tuluyan nang aalis sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ramdam umano ni Madam Inutz na tila sina Karen at TJ ang susunod na mapapalayas sa eviction night na kung saan ipinagtataka nila kung bat mas nasasave pa si Alexa kahit na wala umano itong ambag. Laki din ang pagbabahala ni Brenda na baka isa siya sa magiging nominado next week.

Marami ang nagalit na supporters ni Alexa Ilacad sa PBB housemates na sina Brenda Mage at maging kay Madam Inutz dahil sa pagiging ‘Marites’ umano ng dalawa, hindi naman nila nakikita ang tunay na ginagawa at pinagdadaanan ng dalaga. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *