Andrea Brillantes sinugod sa dressing room si Francine Diaz!!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil sa nagviral na mga larawan nina Francine Diaz at Seth Fedelin na magkasama. Maraming mga netizens ang nag-abang ng balita tungkol sa isyu na ito. Mabilis na umugong ang balita nang iunfollow ni Andrea Brillantes si Francine Diaz sa Instagram, kasunod nito ang mga cryptic posts ni Brillantes sa kanyang social media accounts.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, napag-usapan nila ang issue tungkol sa pag-unfollow at pag-block ni Andrea kay Francine. Ayon sa kanilang source ay hindi umano inunfollow ni Francine si Andrea sa Instagram, sapagkat blinock umano ni Andrea ang rising star na si Francine kaya’t hindi na makita sa following ang pangalan ni Andrea. 

Dahil narin sa tambalan na SETHDREA ay marami ang nakaabang ng tunay na nangyari sa mga rising actors na ito.

Kuwento pa ni Ogie, may naganap pa umanong panunugod sa dressing room noong Christmas special ng ASAP. 

Matapos daw ang kanilang prod ay niyaya umano ng staff nina Francine si Seth upang magpapa-picture subalit sinugod umano ito ni Andrea sa dressing room. Ayon sa mga source ni Ogie, inaaalagaan daw umano ni Andrea ang kanilang loveteam na SETHDREA kaya naman daw ganito nalang ang naging hidwaan nina Francine at Andrea matapos nitong sugudin ang dalawa.

Matapos daw ang pangyayari na ito ay personal na humingi ng tawad si Seth sa kampo ni Francine at dumalaw pa ito sa kanilang tahanan upang makipag-ayos. Subalit, sa kasamaang palad ay nagviral ang kanilang mga larawan na magkakasama at nabahidan ng masasamang komento mula sa netizens. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *