Andrea Brillantes nireveal ang past relationship kay Seth Fedelin; at inexplain ang issue kaugnay si Francine Diaz!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

‘WE [SETH AND I] BROKE UP LAST YEAR’

“I had no contact with them when I saw the picture. So I made a TikTok which made everything worse… But I had no bad intentions. Di ko lang naisip because I was acting based on my emotions and pagkakamali ko yun.”

Ito ang mga katagang sinabi ni Andrea Brillantes sa kanyang IG live nang makita niya umano ang mga larawan nina Seth Fedelin at Francine Diaz na nag-viral noong nakaraang Enero. 

Kasabay ng espekulasyon kung may ugnayan ba sina Seth at Francine, agaw-pansin ang pag-unfollow at pag-follow back ni Andrea kay Francine sa Instagram.

Kilalang magka-love team sina Seth at Andrea na binansagang SETHDREA, pero marami sa fans ni Francine ang kumuwestiyon kung bakit ganoon na lang kaapektado si Andrea.

Lalo pa’t nag-post noon sa TikTok si Andrea ng kanta ni Selena Gomez na “Lose You To Love Me,” na may lyrics tungkol sa gaano kasakit maipagpalit sa iba.

Noong kasagsagan ng isyu ay nilinaw ng manager ni Seth na hindi totoong nanliligaw ang young actor kay Francine, at lumabas na magkaibigan lang ang dalawa.

Ngayong April 4, 2022, sa unang pagkakataon ay inamin ni Andrea na naging magkasintahan sila ni Seth sa loob ng dalawang taon at tatlong buwan. Naghiwalay raw sila noon lamang October 2021.

“It was a painful breakup, but it was a mutual decision yung paghihiwalay namin.

“We both love each other truly and deeply. We’ve learned so much from each other, but in the end, we realized na we weren’t growing as individuals.

“Lahat ng fake news at pag-assume niyo sa relasyon namin, hindi totoo yun.

“We ended on good terms at yun naman ang importante,” paliwanag ni Andrea sa kanyang Instagram Live nitong Lunes ng gabi, April 11, 2022.

Sa kabila ng hiwalayan, nangako raw sila ni Seth sa isa’t isa na ipagpapatuloy ang kanilang love team.

Kasi actually, naging kami. Naging kami for two years and three months.

“Kaya nga I used that song kasi that’s the most accurate and most relevant lyrics to what I was feeling at that time “Wala rin naman akong sinisisi. I never meant to pull anyone down. Nagulat lang talaga ako and I was just really hurt kasi kaibigan ko pa yung kasama.”

Hindi man binanggit ni Andrea ang pangalan ni Francine, malinaw na ito ang tinukoy niyang “kaibigan” na kasama ni Seth sa sinasabi niyang kumalat na picture.

Ayon pa kay Andrea, alam na niya ngayong mali na nagpadala siya sa kanyang emosyon at hindi siya nag-isip nang i-post ang TikTok video niyang iyon na patama kina Seth at Francine.

“But I had no bad intentions. Di ko lang naisip because I was acting based on my emotions, and pagkakamali ko yun. Kasabay pa nito ang issue ng panunugod umano ni Andrea Brillantes kay Francine Diaz sa dressing room na nagviral din.

“I tried to call so many times to have an explanation, but no one answered.

“The reason why I did this (live) now is for people to move on na rin. I didn’t do this to create another issue. I didn’t do this… to be called a victim. Or to be called problematic. I’m doing this for closure. I’m not asking you to believe in me… Alam ko namang mas madali paniwalaan ang tsismis kaysa katotohanan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *