Allan K at Ahron Villena, Umamin Na Sa Totoong Estado Ng Kanilang Relasyon! Cristy Fermin: ‘Tantanan ako ng dalawang baklang ’yan at baka pagbuhulin ko sila’

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Usap-usapan sa social media ang ilang larawan nina Allan K at hunk actor na si Ahron Villena na magkasamang nagbabakasyon sa Boracay. Ang ilan nilang kaibigan at netizens, tinutukso at kinikilig para sa kanila.

Sa isang larawan ay makikita sila sa loob ng isang bar habang may hawak na baso ng inuming alak. Sa isang larawan naman ay magkaharap sila habang nakaupo sa beach bench.

Hindi lang ang mga “marites” ang naglabas ng mga espekulasyon tungkol sa dalawa kundi maging ang mga kaibigan nila at kasama sa showbiz. Inakala nila na isang “dyowa reveal” iyon.

Photo Courtesy: Allan K

“Asan ba ‘yung pamalo ko. Kelan ka ba uuwe at nang mapalo kita,” biro nga sa kanya ng Eat bulaga co-host niya na si Paolo Ballesteros.

“Ganda ng nanay Allan_Klownz ko, may pag-ibig,” sabi naman ng comedienne na si Giselle Sanchez.

’Yan na nga baka paluin ka na talaga ni Pochoy (Paolo Ballesteros),” birong hirit ng singer na si Jaya.

Kasunod ng mga haka-haka tungkol sa totoong namamagitan sa kanila, inilabas ni Allan K at Ahron Villena ang katotohanan na ang lahat ay isang prank lamang.

“And now the reveal – it’s a prank. Thank you sa mga pumatol sa earlier posts namin. Isa lang siyang malaking playtime. Peace everyone,” post ni Allan K sa kanyang Instagram account.

Photo Courtesy: Allan K

Hindi naman naniniwala ang entertainment columnist na si Cristy Fermin na prank lang iyon. Sa palagay niya ay totoong may relasyon si Allan K at Ahron Villena at nagbitaw pa ito ng mga salita sa kanyang show;

“Tantanan ako ng dalawang baklang ’yan at baka pagbuhulin ko sila,….Itong Ahron Villena na ’to… Hindi lang naman ngayon ’yan, e. Ang dami-daming nali-link sa kanya na pinapatos n’ya, mga rich gay businessmen. Pupunta sila ng ibang bansa. Picture-picture sila, kunwari magkahiwalay, iisa naman ang background. So, sino ang niloloko mo? E, ’di kayo lang, ’di ba? Alam mo naman si Allan K, magaling din sumisid sa issue ’yan. Kapag nalaman n’ya na game ang lalaki, why not coconut, ’di ba?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *