ALJUR ABRENICA AT AJ RAVAL SPOTTED SA LEYTE HOTEL ON VALENTINE’S DAY! May comeback nga ba?!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Viral ang mga pics ng magkasintahang Aljur Abrenica at AJ Raval na nakunan sa isang hotel sa Tanauan, Leyte ngayong araw ng mga puso. Muling naging sentro ng usapin ang dalawa matapos masangkot sa mga kontrobersiya noong nakaraang taon. 

Mismong ang Haiyan Hotel and Resort ang nag-post sa Facebook ng mga photos ng dalawa.

Haiyan Hotel and Resort/Facebook

Ayon sa post, sinalubong at inestima ng hotel CEO ang magkasintahan sa restaurant sa loob ng establisimento.

“Despite the hectic schedule, CEO Banjo shows the true hospitality of Tanauananon as he manages to meet the two beautiful celebrities during breakfast @ 8° Resto Bar,” saad ng hotel sa caption.

“Cheers to Aljur Abrenica and Aj Raval! Thank you for the visit here at Haiyan Hotel and Resort,” pagbati ng hotel sa kanila. 

Haiyan Hotel and Resort/Facebook

Marami ang espekulasyon na nag-level up na ang status na ‘getting to know each other’ at tila magkarelayon na ang dalawa. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *