Alexa Ilacad nagsalita na tungkol sa pang-babackstab ni Brenda Mage sakanya sa loob ng Bahay ni Kuya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa latest interview ni Robi Domingo kay Alexa Ilacad, napag-usapan ang topic kung saan tumatalakay sa pang-babackstab sa loob ng Bahay ni Kuya. Nagviral sa social media ang mga pag-uusap ng mga housemates tungkol sa napapansin nila kay Alexa kung saan binansagan ang mga ito na “Marites” ng mga netizens. Matapos ang eviction night nito lamang nakaraang linggo ay muli nanamang nagkomento si Brenda Mage na wala umanong ambag sina Alexa at KD kundi “music” lamang.

 

Photo Courtesy: Facebook/ Kapamilya Online Live

Agad naman itong sinagot ni Ilacad at ayon sa aktres ay wala itong balak na panuorin ang mga nangyari sa loob ng bahay ngunit dahil narin sa kanyang trabaho at sa mga malalapit na tao sa kanyang buhay ay nalaman nito ang katotohanan. 

“I’m not gonna lie and be hypocrite. I will say na masakit, ang sakit talaga. Hindi ko.. wala akong ka ide-idea na para na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya.” kuwento ng aktres 

Photo Courtesy: Facebook/ Kapamilya Online Live

Matapos nitong makita ang footage kung saan naging topic ito ng ibang housemates ay labis umano itong nasaktan. 

“So if I were to approach that person, siguro it would take time. I think for the other side kesa saakin, kasi ako mabilis ako magpatawad and I don’t like holding grudges. I think life is too short for all of that, so for me if mag-apologize man siya or hindi.. I will choose to be the bigger person as always and also kung makita ko man siya.. I’m a professional uhmm I will be civil with that person.”ayon kay Ilacad

dagdag na nito,”RESPETO pa din ang dapat manaig at kung siya wala siya nun.. para saken that’s not my problem!

Photo Courtesy: Facebook/ Kapamilya Online Live

Sa totoo lang I’m still trying to catch up with everything and nahihirapan ako mag catch up honestly.. parang andami, andami kong nakikita ang dami kong naririnig na hindi kaaya-aya.. but at the end of the day atleast alam ko sa sarili ko na.. ako wala akong inaapakang tao or sinabihan ng masama so Makakatulog ako ng mahimbing okay na ako don!”

“Being vulnerable doesn’t make you weak, that’s something I had to learn from Kuya himself.”

“He told me na hindi porke pakiramdam ko nanghihina ako ay mahina ako, that’s something I take to heart.”

Imbes na pairalin ang galit at sakit ay mas pinili parin ni Alexa ang magpatawad at magpakumbaba sa mga nasabi at nagawa sakanya ng ilang housemates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *