Alexa Ilacad at KD Estrada, evicted na sa Bahay ni Kuya! Ngunit, Big Winner parin para sa Taong Bayan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kasama ni KD bilang latest evictee ang Kapamilya actress na si Alexa Ilacad. Silang dalawa ang nakakuha ng pinakamabababang boto na sadyang ikinalungkot ng taumbayan at maging ng mga ex-PBB housemates.

Nakakuha lamang si KD ng 16.99% habang 17.03% naman ang nakuha ni Alexa.

Photo Courtesy: Facebook/ PBB

Samantala, nanguna naman si Anji Salvacion sa botohan na mayroong 19.18% na boto, habang nakakuha naman si Samantha Bernardo ng 17.98% at Madam Inutz ng 18.92%, salamat sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binuhos ang pagboboto para sa kanyang talent. 

Photo Courtesy: Facebook/ PBB

Hindi napigilan ng Kapamilya actress na maiyak matapos magpaalam ni Kuya sa kanya sa loob ng confession room.

Isa si Alexa Ilacad sa mga gusto ng taumbayan kaya naman madalas siya manguna sa mga botohan. Subalit nang dahil sa mga sponsors at managers na gumagastos nang daan-daang libo hanggang sa mahigit isang milyong piso, naligtas ang ibang nominado na nangungulelat sa botohan. At ito rin ang naging dahilan upang ma-evict ang Kapamilya actress.

Photo Courtesy: Facebook/ PBB

Laging gulat ng mga netizens dahil sa unexpected eviction night na ito. Matatandaan nga na simula palang ng first nomination night ay palaging nasa listahan ang dalawa. 

Labis din ang luha ni Alexa sa mensahe ng kanyang ina kung saan ibinahagi nito na dapat maging proud ang aktres, sapagkat siya ang tunay na minahal ng taumbayan maging si KD Estrada. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *