AJ Raval sinagot na ang mga paratang ni Barbie Imperial: ‘If wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka’

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ibinahagi ni Barbie Imperial sa interview sakanya ni Boy Abunda ang issue kung saan inuugnay ang kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga sa sexy star na si AJ Raval. Sa kabila daw ng issue ay mas naging matatag umano ang kanilang relasyon 

“Pinili namin mas maging strong…Ang hirap kasi first time ko na yung lalaki na minahal ko, tinanggap ng mga tao. Kasi dati, ang daming nagagalit,” emosyonal na sinabi ni Barbie kay Boy Abunda sa episode ng The Best Talk. “Nalungkot ako na bakit may tao na nagta-try sumira sa amin. Noong una, gigil na gigil po ako Tito Boy. Pero pinag-pray ko lang yung tao na ‘yon.”

Ayon pa kay Barbie, nais umano niya na komprontahin si Xian tungkol sa akusasyon nito sa kanilang relasyon ni Diego, ngunit mas pinili umano niyang manahimik. 

Photo Courtesy: Instagram/ Barbie Imperial(left), AJ Raval(right)

“Kilala ko si Diego Tito Boy e. Kilala ko po siya na lahat ng binibintang sa kanya, na nambababae siya, na pinupuntahan niya si AJ Raval sa Pampanga, hindi totoo ‘yon. Hindi totoo. Kung kaya ko lang sabihin live kung bakit alam ko na hindi totoo, sasabihin ko. Pero ayoko na kasi mangsira ng ibang babae.” 

“Yung about doon kay AJ Raval, for me kasi, ‘di ba, if wala kang kinalaman, or alam mo naman na hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka. For me, bakit parang gusto mo na nangyayari ‘to lahat, na nagka-thing kayo ni Diego?” 

Dagdag pa ni Barbie na may pruweba pa umano siya na binibigyan pa umano ng mga impormasyon ni AJ si Xian “So parang [sa] akin, o, gusto mo pala ‘to. Parang ganun. Actually, friend ko siya noon. Kaibigan ko siya noon. Tinanggap namin siya, sobrang bineybi namin siya sa grupo namin. Kasi nga girlfriend siya ng best friend ko na si Axel. So tinanggap namin siya.” 

“So nagulat lang ako na ang daming nangyayari na…Okay, gusto mong maging kabit, e hindi ka nga gusto ng boyfriend ko.

May nakakatawang sagot naman si AJ sa mga paratang sakanya ni Barbie Imperial, sa latest post ni AJ Raval ay nagbahagi ito ng larawan kung saan tila pinaparinggan nito si Barbie at si Diego Loyzaga. 

Photo Courtesy: Facebook/ AJ Raval

Ano ang masasabi ninyo sa isyung ito? Pag-usapan natin yan sa comment section sa baba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *