AJ Raval, Napaiyak ng husto sa isang press conference nang mapag-usapan ang tungkol sa kanila ni Aljur Abrenica. Hiwalay na nga ba?

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi pa man din kumpirmado o inamin sa publiko, ngunit napapabalitang hiwalay na umano sina AJ Raval at Aljur Abrenica. Bagama’t ang huling statement ni AJ ay getting to know each other pa lamang sila, marami ang mga naglabasan na balita kung saan nakompirma na may relasyon na ang dalawa. 

Naging laman ng mga bali-balita ang dalawa at ilang linggo lamang ang makalipas ay muling nasangkot na naman sa third party issue si AJ. Hinuha ngayon ng mga netizens na baka hiwalay na sila agad ni Aljur sapagkat hindi manlang nito dinepensahan si AJ. 

Natalakay naman sa Showbiz Vlog update ni Ogie Diaz ang usapin tungkol sa interview ni Kylie Padilla sa amang si Robin Padilla.

Kung saan nabanggit ni Kylie na in good terms naman daw sila ng kanyang estranged husband na si Aljur, matapos na magsalita ni Kylie sa isang programa ay tila doon na natuldokan ang kanilang mga problema. 

Pinuri naman ito nina Ogie at Mama Loi at sinabing baka may chance pang magkabalikan ang dalawa sapagkat kasal naman umano sila. 

Photo Courtesy: Facebook/ AJ Raval

Samantala, naging mainit ang usapin ngayon tungkol sa isyu nina AJ at magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Inilabas ni Barbie ang kanyang saloobin sa isang interview kung saan hinamon nito si AJ Raval na magsalita kung hindi man siya tunay na kabit ng kanyang boyfriend. 

Nakakaloka ‘no kasi nagkakaroon ng playgirl image itong si AJ Raval so dapat malinis niya ito unless iyon talaga ang gusto niya magpa-sexy, e, di bagay sa playgirl image pero siyempre bilang Filipina ay mas gusto nila (netizens) na kahit nagpapa-sexy ka ay pinatutunayan mo pa rin na isa kang matinong babae.

Hindi ko sinasabing hindi matino si AJ ah, kung baga ‘yun lang ang barometro o gauge ng mga tao na kapag nagpapa-sexy ‘yung isang babae pero sa kabila pala ng pagpapa-sexy niya ay conservative pala siya inside o off-cam.”

Tila tikom naman ang mga bibig ni Aljur Abrenica sa panibagong isyu na ito, kaya naman marami ang espekulasyon na wala na ang dalawa.

Sa kabilang banda, napaiyak ng husto si AJ Raval sa isang press conference nang mabanggit ang tungkol sa kania ni Aljur.

“Ayoko na po magbitaw ng kahit na anong salita tungkol sa love life or anything”sambit ng dalaga habang lumuluha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *