80-anyos na si Lolo Narding, Inaresto ng dahil lamang sa pagpitas ng mangga!!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

 “Nang dahil sa Mangga nakulong si Papa”

Maluha-luha ang 80-anyos na lolo na si Lolo Narding Floro na nakakulong sa Asingan Police Station dahil sa kasong pagnanakaw ng Mangga. Ayon sa Post ng PIO-Asingan, gusto na raw ni lolo Narding na umuwi na sa kanyang bahay. 

Mag-iisang linggo (January 13,2022) nang nasa kustodiya ng Asingan PNP ang 80-anyos na si Narding Floro. Inaresto si lolo Narding dahil sa pagnanakaw umano ng 10 kilo ng mangga sa Asingan, Pangasinan.

Photo Courtesy: PIO Asingan (Facebook)

Pinapitas ko ‘yung isang puno ng mangga, wala pang sampung kilo. Ang alam ko, sakop namin. Noong binakuran nila, sinakop naman na nila pero tanim ko naman ‘yun,” paliwanag ni lolo Narding.

Hiniling ni lolo Narding na makipagkasundo pero sa halip ay sinabihan siyang bayaran ang P6,000 piyansa.

Ang gusto ko sana makipagsundo. Maliit lang naman kasi na bagay. Noong ibibigay ko ‘yung bayad ayaw nilang tanggapin. Ang sabi nila bayaran ko ng anim na libo,” aniya.

Photo Courtesy: PIO Asingan (Facebook)

Nag-ambag ambag naman ang mga pulis sa Asingan para mabuo ang 6,000 pesos na pang-piyansa ni Lolo. Pero dahil Alert Level 3, hindi pa raw mapirmahan ang kanyang release paper. Sa ngayon, Ang Asingan Police ang nangangalaga sa lolo. 

Photo Courtesy: PIO Asingan (Facebook)

Umabot nadin ang mga balita sa mga social media influencers at maging naghatid din ng tulong ang ilang mga celebrities tulad ni Andrea Brillantes na ipinost pa sa kanyang Instagram Story ang sitwasyon ng matanda.

Hiling ng mga netizens na nawa’y makalaya na si Lolo sapagkat napakaliit na bagay lamang ang kanyang nagawa. Tila nga, Ang hustisya ay para lamang sa mayayaman! 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *