74-anyos na Lolong Tindero, Nabudol at Nabiktima ng Pekeng Pera!!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayong pandemya, marami padin mga senior citizens ang nagsusumikap maghanapbuhay upang matustosan ang pangaraw-araw na pangangailangan at pang-gamot. Ang ilan ay nagtitiis na magtinda maghapon kahit pa tirik ang araw o umuulan. 

Napaiyak at nalugmok na lang sa lungkot ang 74-anyos na si Lolo Pedro Salarzon, nang malaman na peke ang P1,000 na ibinayad sa kaniya ng isang mamimili sa Santo Domingo, Ilocos Sur. 

Photo Courtesy| via Hernel Tocmo, Bayan Mo, Ipatrol Mo 

Isang babae aniya ang bumili ng seedlings sa halagang P40 at agad naman niyang sinuklian ang inabot nitong bayad na P1,000. Nalaman niya kalaunang peke ang pera nang magpapapalit siya sa tindahan. 

Photo Courtesy| via Hernel Tocmo, Bayan Mo, Ipatrol Mo 

Laking panghihinayang ng matanda sapagkat maghapon nitong kinita ang kanyang isinukli sa isang libong piso. Maluha-luha pa ang matanda nang malaman niya na nabiktima ito ng babaeng bumili sakanya. Hindi nito akalain na may mga ganitong klaseng tao padin na pati matatandang hirap na makarinig at makakita ng maayos ay kanila pang binibiktima. 

Photo Courtesy| via Hernel Tocmo, Bayan Mo, Ipatrol Mo 

Nang makausap ni lolo Pedro, pinalitan ni Police Staff Sergeant Maximino Ramos ng tunay na P1,000 ang pekeng pera, na labis ikinatuwa ng matanda. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *