Tunay na pag-ibig ang natagpuan ng isang lalaking may kakaibang karamdaman sa kanyang kaanyuan!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  


Sa kabila ng kanyang hindi malaman laman na karamdaman, Ang skateboarder na taga Cebu na kilala sa pangalan na Zingzong ay hindi itinuturing na balakid ang kanyang kaanyuan upang makamtan ang kanyang mga pinapangarap sa buhay.

Kaonti pa lamang ang kaalaman kay Zingzong, marahil nga ay isa pa lamang itong teenager na ipinanganak at lumaki sa Cebu.

courtesy: instagram/skateg4life

Siya ay nakakaranas ng isang kondisyon na nakapagpabago ng kanyang pisikal na kaanyuan na kung saan tumigil na madevelop ng normal ang kanyang katawan.

Walang malalim na pagsusuri o anumang artikolo para sa health condition na ito ni Zingzong kaya naman wala pang nakakaalam sa kanyang kondisyon at kung paano nga ba nag-simula ang karamdaman na ito.

Nakilala si Zingzong ng publiko nang ibinahagi sa Instagram account ni Motic Panugalinog ‘isang professional skateboarder na kung saan naging pambato natin sa mga International competitions sa larangan ng pagiiskateboard’ ang talento ng binata.

courtesy: instagram/skateg4life

Marami ang namangha at naging interesado sa husay ni Zingzong sa pag iiskateboard. Napuno din ng video clips ng stunts ni Zingzong ang Instagram account ni Motic na umani ng mga papuri sa netizens.

Napag-alaman din na ang binatang ito ay naninirahan na kasama ang kaniyang mag-ina, Isa sa mga post ni Zingzong sa kanyang instagram account ay ang litrato niya at ng isang babae na may hawak hawak na bata, Ito ay may caption na, “Family Picture”


courtesy: instagram/skateg4life

Marami ang namangha sa pagmamahalan na ito na pinakita ng dalawa, hindi nga naging hadlang ang pisikal na kaanyuan upang magmahal ng tunay. Isang halimbawa nalang ay ang ina ng mga anak ni Zingzong na kung saan sinusuportahan niya ang pangarap ng kaniyang asawa na maging magaling na skateboarder.

Sa mga Instagram post din ni Zingzong ay makikitang masaya sila na namumuhay na kasama ang kanilang anak, Ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa pisikal na kaanyuan kundi sa mabuting kalooban.

Unti unti na nga sumisikat si Zingzong at marami ng fans ang napapansin ang kaniyang talento at interesado sa kaniyang buhay at kondisyon.

courtesy: instagram/skateg4life

Marami ang nagnanais na makamit ni Zingzong ang tagumpay at makuha niya ang recognition na deserve niyang maachieve.

Kahanga-hanga ang talento na kaniyang ibinabahagi pati narin ang kaniyang pagmamahal sa pamilya na kaniyang binuo.

Ano ang masasabi ninyo sa kwentong ito? Ibahagi ang inyong mga naiisip sa comment section sa ibaba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *