Lolo na naglalako ng itlog, Niloko ng mga kustomer at Ninakaw pa ang inutang na 10K pang kapital!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nagviral sa social media ang nakakaluha na pangyayaring ito sa isang 70-anyos na Lolo mula Novaliches, Quezon City, na madalas niloloko ng kanyang mga kustomer. 

Nakilala si Lolo Romeo Pagapulaan, na kahit sa matandang edad ay patuloy parin ang paghahanapbuhay at pagsusumikap upang makaraos sa pangaraw-araw na pangangailangan.  Kahit sa kahinaan ng kanyang katawan, padyak-padyak nito ang gamit niyang bisikleta sa paglalako niya ng kanyang mga panindang itlog maghapon sa palengke. 

Photo Courtesy: GMA NEWS

Tiyak na maluluha kayo sa sinapit ng matanda nang sunod-sunod siyang niloko ng kanyang mga kustomer na omorder sa kanya ng 3-tray ng itlog ngunit hindi na siya binalikan kaya ang matanda pa ang nag-abono. Maluha-luha pa ang matanda nang ito’y malugi, imbes na pambili ng ulam ay nag-abono na lamang ito. 

“Nag-order ng tatlong tray. Sabi sa akin hintayin mo lang ako sa labas, kukuha lang ako ng pera sa tindahan. Hindi na bumalik, nawala na, abono pa ako,”ayon sa matanda

Nang makita siya ng isang residente sa gitna ng kalsada na nahihirapan makausad dahil sa matarik na parte ng kalsada sa may Project 8, Quezon City, agad naman nitong tinulungan at itinulak ang bisikleta laman ang patong-patong na tray ng itlog.  

Photo Courtesy: GMA NEWS

Nanlumo ito ng malaman ang sinapit ng matanda sa isang kustomer nito, hindi ito nagdadalawang isip upang pakyawin ang paninda ni Lolo upang makabawi man lamang ito sa kanyang sinapit. 

Pagod na pagod na ako, tapos nanakawan pa ako,” mahinang sagot salaysay ni Lolo Romeo. 

Mag-isa nalang sa buhay si Lolo Romeo. Kalunos-lunos rin ang sinapit niya noong nakaraang buwan na magpapasko kung saan tinangay ang pera niya na nagkakahalagang sampung libo. Inutang pa umano niya ang perang ‘yon para pang-kapital.

“Yung isang h0ldaper malaking tao. Hin0ldap pa ako, matanda na nga ako,” maluha-luhang kuwento ng matanda

“Kahit na hirap na hirap na ako, kayod lang hangga’t buhay pa ako at malakas pa ako,” 

Tanging ang mga kapwa tindero at tindera sa palengke na kanyang pinagkukuhaan ng itlog ang kanyang itinuturing na pamilya. Sila-sila rin ang nag-aalaga at nag-aambagan sa tuwing may sak1t si Lolo Romeo. 

“Naawa talaga kami sa kanya, marami kaming tumutulong tulong sa kanya. ‘Pag nagkasak1t ‘yon, wala talaga inaasikaso namin. Ambag ambagan na lang,” naiiyak na pagsasalaysay ni Recehllyn Aquino

“Sa tanda niya na ‘yon dapat hindi na siya naghahanapbuhay, sa bahay na lang po pero naghahanapbuhay po siya dahil wala po siyang pagkain,” saad ni Juanita Gonzales, kasamahang tindera sa palengke.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *