Kaawa-awa ang kubang lola na nagtitinda parin ng puto para may maipakain sa dalawang apo na iniwan ng kanyang anak!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nag-viral sa social media ang nakuhang litrato ng isang concerned citizen na kung saan nagbahagi ito ng nakakahabag na kwento ng matandang babae na naglalako ng kanyang paninda, hindi naging balakid ang kanyang edad upang makapaghanap buhay. Nagbabanat parin ng buto ang lola na ito para sa may makain ang kanyang pamilya.

Ang kwento na ito ay nakakaluha sapagkat hindi tulad ng marami na nasa bahay nalang at nagpapahinga ang mga senior citizen, si lola ay patuloy parin ang pagkayod para may makain ang kanyang mga apo.

Ayon sa post ng concerned netizen, araw-gabi naglalako si Lola ng kanyang panindang puto. Madaling araw pa lamang daw ay umaalis na ito sa kanyang bahay, dala-dala ang basket na naglalaman ng kanyang paninda. Buong araw ito nag-iikot sa mga kalsada at hindi alintana ang init ng araw upang maubos ang tindang pu

Photo credit: facebook/wearepinoy.info

“Nakasabay ko lang si nanay kanina sa daan. Nadurog ang puso ko nang makita siya ng ganun. Napakasipag naman ni nanay talaga kasi nagtitinda po siya ng puto tuwing madaling araw. Kahit na po ganyan ang katawan niya ay gumagawa pa rin ng paraan para buhayin nya ang dalawang apo nya na iniwan ng anak nya sa kanya.” Ayon sa netizen

Ngunit may mas malalim pa na dahilan kung bakit sa ganitong edad ay naghahanapbuhay parin ang matanda, Nang makausap ng netizen si Lola, ibinahagi nito na mayroon siyang dalawang apo na kailangang buhayin. Iniwan umano ito sakanya ng kanyang anak at simula noon ay hindi na nagbigay ng suporta para sa mga bata.

Nakakaluha ang mga pangyayaring ito sa buhay ni Lola, ngunit kailangan niya magsipag para sa kinabukasan ng mga apo. Talaga namang mahal na mahal ni Lola ang kanyang mga apo at kahit na anong pagsisikap ay kaya nito gawin para lang sila ay mamuhay ng may sapat na kinakain sa araw-araw.

Photo credit: facebook/wearepinoy.info

Maraming netizens naman ang nahabag sa kalagayan ni Lola. Mayroon ring tumawag sa atensyon ni Raffy Tulfo upang matulungan si Lola sa kanyang sitwasyon. 

Ang iba naman ay nanawagan sa anak ni Lola na tulungan na at magsuporta sa mga anak nito upang hindi na mahirapan ang matanda sa paghahanap buhay. Lalo na sa panahon ngayong pandemya na mahirap ang buhay.

Kahit pa nahihirapan na ang matanda sa kanyang sitwasyon ay handa parin ito harapin ang hirap ng buhay para sa kanyang minamahal na pamilya. Saludo kami sainyo Lola!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *