Isang lalaki basang-basa sa ulan at tinitiis ang lamig upang mabenta lamang ang tindang kamote

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kumalat sa mga social media sites ang mga larawan ng isang lalaki na nagbebenta ng kamote sa gitna ng daanan habang tinitiis ang lamig sapagkat siya ay basang basa na ng tubig-ulan. Marami ang nahabag sa kalagayan na ito ng lalaki na kahit na bumubuhos ang ulan ay hindi parin sumusuko sa pagtitinda. 

Sa Facebook post ng isang netizen na si Cindz Mallari-Rodriguez, ibinahagi niya ang larawan ng lalaki na ito sapagkat nabilib siya sa determinasyon nito na makabenta ng kaniyang mga paninda kahit na basang basa na ito sa ulan. Nakaupo lamang ito sa gilid at makikita na nilalamig ito sapagkat wala manlang siyang proteksyong panangga sa malakas na ulan kahit na payong. Ang sakripisyong ito at pagsusumikap ay tunay na nakakabilib.

Dahil sa kaniyang sitwasyon, may mabuting loob na bumili sa nanginginig pang tindero, makikita nga ang pagningning ng kaniyang mukha sapagkat kahit papano ay may nakapansin sa kaniyang mga paninda. Laki naman ang tuwa ng lalaking tindero na may bumili sa kaniyang panindang kamote.

Source: Cindz-Mallari Rodriguez/Facebook

Kahit ano pang hirap at dagok na mangyari sa ating mga buhay, may pag-asa parin basta’t magsumikap lamang at magtiwala sa darating na biyaya. 

“Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig nap o kasi sya at basing basa.” Ayon sa post ni Rodriguez

“Alam ko na hindi sapat na pinabili ko si papa at hindi na kinuha yung sukli para makauwi na din sana sya.”

Marami namang mga netizeng ang nakisimpatya sa sitwasyon ng lalaki. Heto ang ilan sa kanilang mga komento:

“Tiis lang po ang importante ay nsa legal ang hnapbuhay at maayos,, pagpalain po kau ng panginoon.”

“Sana matulungan po si Kuya.”

“Kawawa nman po c tatay. Pki share po para may maktulong sa knya. Kung may magagawa lng po talaga ako.”

Layunin din ni Rodriguez na sana ay matulungan ang lalaki na makabenta upang makauwi narin ito at hindi na maghirap at magtiis sa lamig dulot ng malakas na ulan. Tila nga nakakaawa ang ganitong sitwasyon ngunit hindi dapat natin sila kaawaan at dapat natin silang Ipagmalaki at tularan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *