Viral ngayon ang Tatay na nagbebenta ng gawa niyang Habi bags na natutulog sa bangketa!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Trending ngayon sa social media ang isang lalaki na nagbebenta sa bangketa ng napakagandang Habi bags.

Ayon sa uploader na si Cicely Martin Reyes, nang napadaan sila sa may Tutuban Primeblock, nakita nila si Tatay na nagbebenta ng mga Habi bags na siya mismo ang may gawa.

Photo: Facebook/Cicely Martin Reyes

Makikita umano si Tatay sa kanyang puwesto malapit sa entrance ng dating Orion Hotel simula alas siyete ng umaga (7 AM) hanggang alas nuwebe ng umaga (9 AM).

Ang nakakabilib pa ay doon mismo ginagawa ni Tatay ang magagandang Habi bags na kanyang tinitinda.

Photo: Facebook/Cicely Martin Reyes

Kaya naman hindi nagdalawang isip ang uploader at mga ka-officemate nito na ubusin ang panindang magagandang bag ni Tatay.

Ang mga Habi bags ay mabibili lamang sa halagang P150 hanggang P250, napakamura para sa kanyang napakagandang bags.

Ayon pa sa post ni Ms. Reyes, taga Malolos, Bulacan umano si Tatay at umuuwi siya sa kanilang bahay every 3 days.

Paglalahad pa niya na sa bangketa lang umano natutulog si Tatay.

Kaya naman hinikayat ni Ms. Reyes ang iba na mapapadaan sa Tutuban na suportahan ang tinderong ito dahil sulit naman ang kanilang mabibiling bag.

Saludo kami sayo Tatay sa angkin mong galing at talento sa paggawa ng mga magagandang Habi bags. Gayun din sa uploader at mga ka-officemates nito na hindi nag dalawang isip na tulungan si Tatay at ipromote ang mga binibenta nito!

Narito ang buong caption ni Cicely:

“Hi Everyone!!!

“Baka po mapadaan po kayo sa Tutuban Primeblock (sa Rivera side po ito, malapit sa entrance ng dating Orion Hotel) makita po ninyo itong si Tatay.

“Nagbebenta sya ng mga Habi bags na dyan mismo nya ginagawa. Mga 7am to 9am po namin sya nakikita sa pwesto na yan.

“Super mura lang… 👌👌👌P150-P250 lang po ang benta nya. Taga Malolos, Bulacan pa sya kaya every 3 days lang sya nakakauwi sa kanila at sa bangketa lang daw sya natutulog. Nagtulungan kami ng officemates ko para maubos ung gawa nyang bags…

“Sobrang sulit ang pera ninyo dahil maganda at pulido po ang mga gawa ni Tatay. Bili na po kayo sa kanya please!!🙏🙏🙏

“Maraming Salamat po❤❤❤ “

📸 Cicely Martin Reyes

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *