Pinatunayan Ng Isang Dilag Na Hindi Sukatan Ang Hitsura At Estado Ng Buhay Sa Paghahanap Ng Makakasama Habang-buhay!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon natin ngayon, nakakalimutan na ng mga tao ang pinaka-importanteng aspeto sa paghahanap ng makakasama habang buhay – yun ay ang kanyang panloob na kaanyuan.

Tunay nga na wala ka ng hahanapin pa kung ang magiging partner mo ay may magandang loob.

Babae man o lalaki, dapat lang na tumingin tayo hindi lang sa kung ano ang kanyang hitsura at estado sa buhay.

Ang kaligayahan, respeto, pang-unawa, tiwala ang mas matimbang sa isang relasyon.

At ang mga ito ang ginawa ng babaeng tampok natin ngayon.

Kilalanin si Phatsara Obnak, isang babae sa Thailand na hindi tumingin sa hitsura o estado sa buhay ng taong kanyang pinakasalan na may kaibahan sa kanyang hitsura.

Photo: Google

Ang istoryang ito ay tungkol sa isang magandang dilag na nagpakasal sa mas nakatatandang lalaki sa kabila ng kanyang hitsura at kahirapan sa buhay.

Si Boonmee Khanthong ay isang lalaki na may kakaibang mukha na simula ng pinanganak siya ay ganoon na ang kanyang kondisyon.

Photo: Google

Hindi normal ang mga gilagid ni Boonmee pero ayon sa kanyang pamilya ginawa naman nila ang lahat para mapagamot siya pero dahil sa kahirapan ay nabigo silang mapagamot ng tuluyan si Boonme.

Ang patuloy na paglago ng kanilang bayarin ang siyang naging dahilan upang hindi matapos ang buong proseso ng kanyang pagpapagamot.

Photo: Google

Kaya naman naisip na nila na walang sinuman ang magbabalak na magpakasal kay Boonme na para bang isang napaka-imposibleng pangyayari kung siya man ay maikasal sa isang babae.

Ngunit napakabuti ng kapalaran kay Boonme. Nakilala niya ang isang magandang dilag na si Phatsara habang nagtitinda ng papaya salad kasama ang kapatid niya sa mga bahay-bahay sa Hat Chai City.

Photo: Google

Nahulog umano agad ang loob ni Boonme sa 23-year-old na dalaga ngunit hindi niya naisip na mahuhulog din sa kanya ang dilag dahil nga sa kanyang hitsura.

Ngunit nahulog din pala ang dalaga sa kanya at napatunayan na hindi talaga mahalaga ang panlabas na kaanyuan para sa ibang mga babae.

Lumago ang kanilang pagmamahalan sa isa’t isa at nagpakasal na nga sila kalaunan noong April 15 sa isang village sa Surin province.

Photo: Google

Naiulat din na mayroon ng anak si Phatsara sa kanyang naunang asawa at tinatrato ni Boonme ito na parang kanya.

Ang istorya nga na ito ay isa sa mga patunay na hindi lang sa panlabas na kaanyuan at estado ng buhay nagmamahal ang isang tao. At ang mas importante ay kung papaano ang trato nila sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *