“Love at First Kopya” – Kinaaliwan Ng Netizens ang Love Story Ng Mag-Asawa Mula Sa North Cotabato!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

LOVE AT FIRST KOPYA? 🤔💗

Isang magkasintahan mula sa North Cotabato ang nagbahagi ng kanilang nakakatuwang graduation photo kung saan makikita na ang babae ay may hawak-hawak na signage na may nakasulat na:

“Pinakopya ko lang noon, asawa ko na ngayon!”

Photo: Simmeon Nicole

Nagsimula ang love story nilang dalawa noong sila ay nasa kolehiyo pa lang.

Nang mag-iba ng kurso si Simmeon Nicole mula sa political science patungong physical education sa University of Southern Mindanao.

“Nag-cross [enroll] po ako sa section nila, magka-ibang section po kasi kami at first. First day ng class he asked me if may pinsan po ba ako kasi alam niya na may boyfriend ako, then nag-start na nila kami tuksuhin,” kuwento ni Simmeon sa The Philippine STAR.

Noong panahon na iyon, ang kasalukuyang boyfriend ni Simmeon ay niloko siya.

Bago pa nga lang sa break-up noon si Simmeon nang ang “bad boy campus crush” ay nilapitan siya.

Hindi upang i-comfort siya kundi para humingi ng tulong sa kanyang accounting exam.

“He came running towards me, kasi ’di niya masagutan ’yong exam niya sa accounting kaya tinuruan ko siya,” saad ni Simmeon.

Dito na umano nagsimulang magsibol ang nararamdaman ng dalawa para sa isa’t isa.

Nakilala nila ng paunti-unti ang isa’t isa at naging komportable sila sa na magkasama.

Ngunit hindi naging madali ang kanilang pagmamahalan.

Dahil sa magkaiba nilang relihiyon, ang mga tao sa paligid nila ay hindi naging sang-ayon sa relasyon nila.

Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanilang pagmamahalan at nagkaroon sila ng parehong Christian at Muslim wedding para ipakita ang respeto nila sa kani-kanilang relihiyon.

Sa ngayon ay dalawang taon ng kasal sina Simmeon at Ark at sila ay malapit ng grumaduate sa July 28, 2021.

“A true relationship involves a lot of forgiving, magkakamali kayo, may pag-aawayan pero keep in mind hindli lahat dapat ng away pinapatulan, ’yong iba pinapalampas.

“Tuparin niyo ang mga pangarap niyo nang magkasama. Be your partner’s anchor and above all, magkaiba man kayo ng relihiyon or magkapareho, let God be the center of the relationship.

“Pray for His guidance, pray for your partner,” ibinahagi ni Simmeon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *