Isang garbage collector, tinanghal na beauty queen, ipinakita ang pasasalamat sa ina sa pamamagitan ng pagluhod sa paahan nito!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nag-viral ang isang garbage collector ng masungkit niya ang korona sa isang beauty pageant na Miss Uncensored News Thailand.

Photo: financetwitter.com

Si Khanittha “Mint” Phasaeng ay mula sa bansang Thailand. Bata pa lamang siya ay tumutulong na siya sa kanyang ina na manholekta ng mga basura upang masuportahan ang kanilang pamilya. Kinailangan din niyang tumigil sa pag-aaral sa high school dahil hindi na kaya ng kanyang ina na bayaran ang tuition at iba pang gastusin sa paaralan.

Sa pagpupumilit naman ng kanyang ina, ang 17-year-old na dalaga ay sumali sa beauty pageant na Miss Uncensored News Thailand at nagbabakasakaling makabalik sa pag-aaral at masuportahan ang pamilya.

Hindi umano ikinahihiya ni Mint na siya ay dating nangongolekta ng mga basura at nagpapasalamat siya sa mga naging sakripisyo ng kanyang ina. Naireport din na ang kinitang pera ng kanyang ina ang ginamit nila upang siya ay makapasok sa kompetisyon.

Pagkatapos manalo ni Khanittha sa beauty pageant ay agad niyang pinuntahan ang kanyang ina at ipinakita niya ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pagluhod sa paahan ng kanyang ina habang suot pa niya ang kanyang korona, sash at dress.

Photo: financetwitter.com

Ayon sa beauty queen ay patuloy niyang tutulungan sa pagkolekta ng basura ang kanyang ina sa kanyang mga bakanteng oras kahit na ayaw pa ng kanyang ina.

Napag-alaman din na may nag-offer kay Khanittha na maging isang aktres.

Ngunit, kalaunan ay nadiskubre ng organisasyon na pineke niya ang kanyang educational background sa naging application niya sa beauty pageant. Ayon sa application form, natapos umano ni Khanittha ang Mathayom 6 (Grade 12) noong siya ay 17 years old. Ngunit lumabas na Mathayom 3 lamang ang kanyang inabot. Dahil dito, agad na kumalat ang bali-balita na babawiin sa kanya ang titulong Miss Uncensored News Thailand, kasama ang korona at pera na napanalunan niya.

Agad naman siyang humingi ng kapatawaran sa nagawa niyang kamalian. Dagdag pa niya na hindi niya intensyon na lokohin ang sinuman. Saad pa niya na ang kanyang tiyuhin ang nagfill-up ng kanyang application at hindi na niya ito nagawang i-check bago ipasa.

Napagdesisyunan naman ng organisasyon ng beauty pageant na hindi babawiin ang titulo, korono at napanalunang pera ni Khanittha dahil ang patimpalak ay isinagawa upang mabigyan ng pagkakataon ang sinuman, ano man ang estado nito sa buhay, kasarian at edukasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *