Isang delivery rider ang lumusong sa baha para may maiuwing pera sa mga anak!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

“PARA SA PAMILYA”

INSPIRING: Isang delivery rider ang lumusong sa rumaragasang baha para may maiuwing pera sa pamilya.

Kahit na delikado at mahirap, ang delivery rider na si Christian Reyes Dabu ay kinakaya ang magtrabaho sa gitna ng baha para sa kanyang dalawang anak.

Screen grab: Facebook/Christian Reyes Dabu

Ibinahagi ni Dabu ang kanyang video na naglalakad sa baha nitong Biyernes para maideliver ang order ng kanyang customer sa Montalban, Rizal.

Ang napakasipag na rider ay makikitang suot-suot ang kanyang helmet at kanyang kapote para maprotektahan ang kanyang sarili. Nilusong niya ang baha dala-dala ang parcel kahit pa hindi sumasagot ang kanyang customer sa kanyang mga tawag at texts.

Screen grab: Facebook/Christian Reyes Dabu

Ayon sa report, naglakad ng nasa 100 metro si Dabu bago makarating sa kanyang destinasyon. Sabi pa niya, iniwan niya ang kanyang motorsiklo sa isang tindihan na malayo sa may baha kahit pa may posibilidad na manakaw ito para lang maihatid ang parcel.

Screen grab: Facebook/Christian Reyes Dabu

“Sa mga customer namen diyan sana wag naman po maging mainit yung ulo niyo saamin dahil saaming konting pagkakamali. Sana maintindihan niyo po kami kung gaano kahirap at nakakapagod ang ginagawa namen. Init, ulan, at covid patuloy parin kami at hindi sumusuko,” ang pakiusap ni Dabu sa mga customer nila.

Ano po ang masasabi niyo sa kuwentong ito? May kuwentong buwis buhay para sa pamilya din ba kayo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *