Isang Binatang Walang mga Paa, Hinangaan ng Marami Dahil Patuloy pa rin sa Paghanapbuhay upang Makatulong sa Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Kilalanin ang 21 anyos na binata na hinangaan ng marami dahil sa sipag nito. Kahit na siya ay may kapansanan ay handa pa ring tumulong sa kaniyang pamilya. Mahirap ang buhay ngaun at lalo pang pinahirap dahil sa pandemya.

Photo: Lala Cares

Marami sa atin ang naapektuhan katulad ng mga kababayan natin na nawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng ilang kumpanya. Ngunit hindi ito dahilan upang tayo ay sumuko bagkus ito any gawing inspirasyon upang magpatuloy sa buhay. Ito ay pinatunayan ng isang 21 anyos na binata na nakilalang si Ryan “Ipong” Moralidad na tubong Sibsib, Tulunan, Cotabato. Patuloy siyang kumakayod at nagsusumikap upang makaraos sa kahirapan at pandemya kahit na siya ay may kapansanan.

Photo: Lala Cares

Ating matatanaw sa larawan na wala siyang mga paa subalit hindi ito naging hadlang upang siya ay maghanapbuhay. Sa kabila ng kaniyang kapansanan ay nakukuha pa niyang magsaka at mag-uling para makatulong sa kaniyang pamilya. Talagang maipapagmamalaki si Ryan sa kaniyang pagpupursige at kasipagan para nakatulong.

Photo: Lala Cares

Bilang panganay sa walong magkakapatid ay nagpursige siya upang makatulong sa pamilya sa kabila ng kaniyang kapansanan. Pumanaw ang kaniyang ama at hindi sapat ang kinikita ng kaniyang ina sa pagtitinda.

Photo: Lala Cares

Kwento ng kaniyang kamag-anak na si Irene Dioso, mabait,matulungin, at masipag si Ryan. Ayon pa sa kaniya, Grade 1 lamang ang natapos nito dahil huminto sa pagaaral dahil sa pambu-bully.

Saad pa niya, “ kung ano ang trabaho na kaya ng may mga paa, kaya niya ring gawin. Pero sa mga ganitong trabaho, hindi namin siya inuutusan, kusa siyang gumagawa dahil gusto niya.”

Marami ang humanga at napabilib kag Ryan. Siya ay naging inspirasyon ng marami na kahit ano mang dagok o pagsubok ang dumating sa ating buhay ay huwag panghinaan ng loob sa halip ay magpakatatag at patuloy lamang sa pagkayod dahil sa huli ay ano pa’t magbubunga din ang mga pinaghirapan.

Nawa ay kapulutan ng aral at inspirasyon ng ibang tao na puro reklamo ang ginagawa sa buhay ang kwento ni Ryan. Kahit siya ay walang kakayahang makapaglakad dahil sa wala siyang mga paa ay nakakapaghanapbuhay at nakakatulong pa rin.

Photo: Lala Cares

Nakakatuwa na sa ngayon ay madami ang humahanga at tumutulong kay Ryan dahil nagbibigay siya ng inspirasyon na dapat talaga maging masipag at tumulong sa pamilya kasi hindi hadlang ang kapansanan sa kanyang pangarap sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *