INSPIRING: Isang ama ang nag-ipon ng mga barya ng ilang taon para mabilhan ng sapatos ang kanyang anak!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa nga sa pinakamasayang parte ng pagiging magulang ay ang makita mong masaya ang iyong anak. Ang pagiging isang magulang ay pang habang-buhay na tungkulin. Kaya naman napakasuwerte ng mga anak na mayroong responsable at maaasahang ina at ama.

Kaya naman nag-viral agad ang mga larawan ng isang amang binibilhan ng sapatos ang kanyang anak sa isang shop.

Photo: Facebook/Heaven Elements

Ibinahagi ng Facebook page na ‘Heaven Elements’ ang mga larawan ng isang matandang lalaki kasama ang anak nito habang bumibili ng sapatos.

Makikita sa larawan na binibilang ng matandang lalaki ang mga baryang naipon niya pambayad sa sapatos na pangarap ng kanyang anak.

Ayon sa uploader, ilang taon umanong inipon ng matandang lalaki ang perang kanyang binibilang.

Photo: Facebook/Heaven Elements

Dagdag pa sa post, na bakas umano sa mukha ng ama ang saya dahil maibibigay na niya ang inaasam-asam na sapatos ng kanyang anak.

“hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan..,” nakasaad sa post.

Photo: Facebook/Heaven Elements

Narito naman ang buong post patungkol sa mga larawan:

“Guys! Pasikatin natin itong si tatay, binili nya ng sapatos yung anak nya na ilang taon nyang pinag ipunan sa alkansya, habang binibilang nya yung mga barya sa counter bakas sa mukha ni tatay ang saya at ngiti dahil nabili nya yung pinaka inaasam ng kanyang anak na sapatos, hanggat nabubuhay daw sya ay gagawin nya lahat para mapasaya ang kanyang mga anak at itataguyod sa marangal na paraan.. Wow! dakila ka tatay, saludo kami sa’yo nawa’y marami pang blessings ang dumating sa buhay nyo..”

Tunay nga naman na hindi sa estado ng buhay masusukat ang kayang ibigay ng isang ama sa kanyang anak. Kaya naman pahalagahan natin ang ating mga magulang na siyang nag-aaruga at nagmamahal sa atin.

Ano po ang masasabi niyo sa kuwentong ito? Natunaw din ba ang puso niyo sa ginawa ng ama sa kanyang anak? Pag-usapan natin yan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *