Ikinagulat ng tindero at kanyang suki ang basura sa loob ng tiyan ng isda sa Palawan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

‘BASURA SA TIYAN NG ISDA 🤮’

Ikinagulat ng isang fish vendor sa Palawan nang bumungad ang mga basura sa loob ng tiyan ng hiniwang isda para sa kanyang suki nitong Sabado.

Ibinahagi ni Mary Vanessa Guzman-Tan sa kanyang social media ang karanasan ng kanyang ama habang bumibili ng isda nitong umaga ng Sabado sa wet market ng Barangay Bancao Bancao sa Jacana, Puerto Princesa City.

“My father’s routine almost every morning is to buy fresh fish in Jacana. He went straight to his suki this morning to look for what is available from his fresh catch. He decided to buy a kilo or two of Dorado,” ayon sa Facebook post ni Mary.

Photo: Facebook/Mary Vanessa Guzman-Tan

Habang hinihiwa ang bagong huling Dorado o kilala rin sa tawag na mahi-mahi, laking gulat ng fish vendor at ng kanyang suki sa kanilang nadiskubre.

“Since the fish was huge, the vendor sliced it open and as they revealed the insides of the fish, they were surprised to see trash, aside from some squid that the fish had eaten… Basura sa tiyan ng isda. The fish was caught in the waters of Palawan. Even the fisherman was shocked of what he saw,” paglalahad ni Mary.

Photo: Facebook/Mary Vanessa Guzman-Tan

Isa-isa namang tinanggal ng fish vendor ang mga bumungad na mga bagay sa loob ng bituka ng isda. Nakuha dito ang ilang pirasong plastic, balat ng candy, takip ng softdrinks, isang disposable na kutsara, salonpas at iba pang kalat.

Dagdag pa ni Mary, “Dahil sa kadamangan ng tao, pati lamang dagat nadadamay. This only means that our ocean is being flooded with trash. Sabi nga ng tatay ko, iba pala kapag napapanood mo lang sa TV, at iba kapag nakita mo mismo sa personal na pag bukas ng tiyan ng isda, puro basura”.

Noong Disyembre lang ay inilabas ng mga researchers mula sa Western Philippines University ang natuklasang marine plastic pollution sa Puerto Princesa City. Batay sa kanilang natuklasan, “heavily contaminated” ng basurang plastic ang karagatan ng Puerto Princesa at napapabilang ito sa international standards na “dirty to extremely dirty”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *