Hindi mo aakalain na ang mukhang “Grade 1” na ito ay isa pa lang GURO!!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nagugulat sa “little boy” na ito dahil sa kanyang mababang height at mukha na baby face ay isa palang guro!

Nagbigay ng inspirasyon sa maraming netizens ang istorya ni Ian Francis Manga na kahit na puno ng pagpupuna sa kanyang kaanyuan ay nakamit parin ang kanyang pangarap.

Kuwento ng may ari ng Review Center na si Dr. Carl Balita, naging palaisipan sa kanya ng makita ang isang bata sa kanyang klase at nagbabasa ng kanilang review materials para sa Licenaure Exam for Teachers (LET).

“Akala ko sinama lang ng nanay niya,” saad ni Dr. Balita.

Ngayon ay isa ng ganap na lisensyadong guro para sa elementary level si Sir Ian dahil naipasa na niya ang March 2019 LET.

Photo: Facebook/Ian Manga

Napakarami ang namamangha na si Sir Ian pala ay 23 years old na.

“Madalas akala nila Grade 1 ako or kinder,” sabi ni Sir Ian.

Hindi naman na ibinahagi ni Sir Ian kung ano ang nangyari sa kanya kung bakit na-delayed ang kanyang paglaki.

Naikuwento lang niya na habang siya ay tumatanda ay isa siyang patpating bata.

Photo: Facebook/Ian Manga

Kuwento pa ng bagong lisensyadong guro na madalas umano siyang pagtawanan at maliitin dahil sa kanyang hitsura.

Ngunit nakalakihan na ni Sir Ian ang mga challenges sa buhay ay hindi na lang niya pinapansin ang mga masasakit na pagpuna sa kanyang kaanyuan.

Nagbigay naman si Sir Ian ng maikling mensahe para sa mga katulad niya na na-bubully.

“Ignore them but patunayan mo rin na kaya mong wala sila, na mali sila,” payo ni Sir Ian.

Kuwento pa ni Sir Ian na kaya gusto niyang magturo ay dahil sa gusto niyang sundan ang mga yapak ng kanyang ina na isa ring guro.

Photo: Facebook/Ian Manga

Dagdag pa niya na gusto niyang ibahagi sa kanyang mga estudyante nag kanyang pagmamahal sa art.

Ang istorya ni Sir Ian ay napanood na ng 177,000 na beses simula ng i-upload ito. Binaha rin ito magagandang komento mula sa netizens dahil sa kanyang determinasyon at pagtitiyaga.

Isang netizen pa ang nagkomento ng, “Height doesn’t matter po sa pagtupad ng pangarap. Congrats Sir Ian!”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *