Hinangaan ang Security Guard na ito nang Isama niya sa Trabaho ang kanyang anak dahil sa walang mag-aalaga!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Napahanga ang mga netizens nang mag-viral ang pagiging huwarang ama ng isang security guard matapos nitong isama sa kanyang pinagtatrabahuan ang batang anak. 

Pinost ng isang netizen na si Jeff Magno sa social media ang larawan ng isang security guard na dala-dala ang batang babae na anak sa kanyang pinagtratrabahuan, makikita sa mga larawan na nagpapahinga ang bata sa upuan ng isang pawnshop at binabantayan sa pagtulog ng kanyang ama na sekyu.

Photo Courtesy: Facebook/Jeff Magno

Kwento ni Magno sa kanyang post, nasa isang pawnshop sila at habang naghihintay ay napansin nila ang security guard na may binabantayang bata. Nakiusyoso muna sila at doon ay napag-alaman nila na anak nito ang bata. Dinala umano muna niya sa pinagtatrabuan ang anak dahil walang ibang mag-aalaga dito at mabuti na lamang ay pinayagan siya ng mga staff ng kanyang pinagtratrabahuan. 

“Tinanong ko si manong guard kung may sakit ba ang anak niya, ang sabi niya sa akin pinanganak kasing premature ang kanyang anak, kaya naman ito’y matamlay,” aniya. Dahil na rin sa pagiging premature ng bata kaya nagiging masakitin ito, at dahil na rin sa walang mag-aalaga sa kanyang anak nung araw na iyon kaya dinala na lamang ng amang security guard ang kanyang anak para maalagaan niya ito at matugunan ang pangangailangan.

Photo Courtesy: Facebook/Jeff Magno

Kaya naman namangha si Jeff sa nakita niyang pagsasakripisyo ng security guard para maalagaan ang kanyang anak. Sa kabila ng pagtatrabaho nito ay nagagawa niya pa ring maalagaan ang kanyang anak. “Saludo ako sayo manong guard, napakabuti mong ama”, ayon pa sa kanyang post. Hangang-hanga si Jeff sa pagiging mabuting ama ng security guard kaya pati ang mga netizens sa social media ay umantig ang kanilang mga puso.

Marami ang napahanga sa ginawang ito ng security guard na kung saan ay lahat gagawin para sa anak. Hindi naman naging balakid sa trabaho ng sekyu sa pag-aalaga sa kanyang anak. Bagkus, maaninag naman sakanyang mukha ang tuwa habang inaalagaan ang anak. Tunay nga na ang mga anak ang nagpapalakas sa mga magulang, kahit na ano pa mang pagod ay agad napapawi kapag nakakasama ang mga batang anak.

Photo Courtesy: Facebook/Jeff Magno

Natuwa naman ang mga netizen dito dahil sa kanyang pagiging responsableng ama.

Ipinagpasalamat rin ng mga netizen na pumayag ang boss ng security guard na doon muna ang bata habang wala pang makakapag-alaga nito.

Walang makakatumbas sa pagmamahal ng mga magulang sa kanilang mga anak. Lahat ay kayang gawin para sa kapakanan ng mga bata. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *