Anak Ng Nagtitinda Ng Buko at Gulay, TOP 2 Sa Criminology Board Exam!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sabi nga nila, hindi hadlang ang kahirapan upang maging matagumpay sa buhay. Ito ay napatunayan na ng maraming beses ng mga nakaka-inspire nating kababayan.

Sa kabila nito, patuloy parin na nagbibigay ng inspirasyon ang mga ganitong kuwento sa karamihan ng tao.

Nag-viral ang kuwento ng anak ng nagtitinda ng buko at gulay na pumasa sa November 2019 Criminologist Licensure Exam (CLE) at pumuwesto lang naman siya sa ikalawang pinakamataas ang nakuhang marka.

Photo credit: Facebook/EARIST College of Public Administration and Criminology (CPAC)

Sa kabila ng mga hinarap na paghihirap nina John Patrick Aguado Privado at ng kanyang pamilya ay nagbigay daan parin siya na maging inspirasyon sa karamihan dahil sa natapos niya ang kanyang pag-aaral at naging pangalawa pa sa pinakamataas ang marka sa criminology licensure exam.

Screenshot of November 2019 CLE topnotchers from The Summit Express

Nagtapos si John Patrick sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) College of Public Administration and Criminology (CPAC).

Ang kuwento ng buhay niya ay nagbigay ng inspirasyon sa maraming tao matapos i-share ng ilan sa mga kakilala niya na kilala siya ng personal at kung papaano niya nakayanan at nalampasan ang mga naging sagabal upang maabot ang kanyang pangarap.

Photo credit: Facebook/Matt Florido Withaheart

“Anak ng magtitinda ng buko at gulay…kung inyong natatandaan naka side car ang kanyang nanay na nagtitinda sa lansangan ng ating bayan…Taga-HELUNA…NGAYON ay TOP 2 sa CRIMINOLOGISTS LICENSURE EXAMINATION! Tunay na isang inspirasyon ang iyong tagumpay…JOHN PATRICK AGUADO PRIVADO. Napakalaking karangalan ang ibinigay mo sa iyong paaralan…General Luna Central Elementary School, GMSAI at lalo’t higit ay sa ating bayang minamahal…General Luna!!! ❤❤❤,” saad ni Matt Florido, mayor sa bayan ng General Luna, Quezon.

Nakakuha ng 90.75% na grado si John Patrick. Ang nakakabilib pa ay isa siya sa 19,191 mula sa 43,512 (44.11%) na nakapasa sa naturang exam!

Congratulations, John Patrick!

Photo credit: Facebook/Matt Florido Withaheart

Napatunayan nga nanaman ng ating kababayan na hindi talaga hadlang ang kahirapan upang makamit mo ang iyong pinapangarap. Kailangan lang ng determinasyon, tiyaga at pananalig sa Taas para makamit ang inaasam asam na pangarap.

Naging inspirasyon din ba sa inyo ang kuwento ni John Patrick? May kuwentong nakaka-inspire din ba kayo? Pag-usapan natin yan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *