Zingzong- Lalaking may karamdaman sa kaanyuan, Sikat na sa Instagram at Tiktok!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Una nang nag-viral ang kwento patungkol kay Zingzong, Dahil sa kaniyang hindi pangkaraniwan na kaanyuan. Maraming netizens ang namangha, dahil sa kabila ng kaniyang karamdaman ay may isang babae na nabighani sa kaniya, ika-nga “tunay na pag-ibig”

Hindi naging hadlang ang kaniyang hindi malamang kondisyon sa kaniyang pagsikat. Ipinamamalas nga ni Zingzong ang kaniyang talento sa pag-iskateboard. 

Source : Instagram/skateg4life

Maituturing na Influencer na siya sapagkat mayroon narin siyang Youtube account, kung saan makikita ang ibat-ibang stunt nito sa skateboarding.

Matatandaan nga na si Zingzong ay nakatira ngayon sa Cebu, Kasa-kasama nito ang kaniyang asawa at anak. Maraming netizens ang namangha sa angking talento ni Zinzong kaya naman napakarami rin nitong followers sa Instagram-mayroon siyang 11.5K na subscribers. 

Source : Instagram/skateg4life

Sa kabila ng kanyang hindi malaman laman na karamdaman, Ang skateboarder na taga Cebu na kilala sa pangalan na Zingzong ay hindi itinuturing na balakid ang kanyang kaanyuan upang makamtan ang kanyang mga pinapangarap sa buhay at sumikat sa kaniyang pamamaraan.

Hindi lamang sa Instagram sikat si Zingzong, dahil namamayagpag din ito sa Tiktok-isang video sharing app na usong-uso ngayon sa mga Pinoy, pati narin sa mga Celebrities.

Source : Instagram/skateg4life

Hindi nga magpapahuli si Zingzong sa pagshashare ng kaniyang mga nakakatuwang videos kasama ang mga kaibigan at pati narin ng kaniyang kinakasama. Umani nga ito ng samut-saring reaksyon sa mga netizens, na talaga namang kinagiliwan ng husto.

Source : Instagram/skateg4life

Marami ang namangha at naging interesado sa husay ni Zingzong sa pag iiskateboard. Napuno din ng video clips ng stunts ni Zingzong ang Instagram account niya pati narin sa ibat-ibang mga social media sites.

Naging inspirasyon rin si Zingzong sa mga tulad niya na may kakaibang karamdaman, Tunay nga na hindi lamang sa pisikal na kaanyuan ibinabase ang kakayahan ng tao, isang patunay roon si Zingzong na namamayagpag sa larangan ng pag-skateboard.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *