Boyfriend ni Rabiya Mateo, Dinelete lahat ng larawan ng Beauty Queen sa kanyang Instagram! Ito nga ba ang dahilan??!!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Agam-agam ngayon sa social media ang biglaang pagtanggal ng boyfriend ng Miss Universe Candidate na si Rabiya Mateo sa mga larawan nito sa kanyang Instagram account. Malaki ang pagtataka ng mga netizens sapagkat matatandaan na sa mga nakaraan interview ni Rabiya ay going strong naman sila ng kanyang boyfriend.

“It looks like Rabiya Mateo’s long-time boyfriend, Neil Salvacion, has deleted their couple photos on Instagram. Unsurprisingly, the move has sparked breakup rumors among netizens.”- Ayon sa post ng GMA News

Naging long time boyfriend ito ni Rabiya Mateo, at laking gulat ng mga netizens nito lamang Miyerkules ng hapon ay burado na ang halos 13 larawan na kasama si Rabiya sa kanyang account. Pati narin ang sweet birthday greetings niya para sa beauty queen noong nakaraang taon ay wala na.

Sa kabila ng kontrobersiya na ito, Kumalat ang espekulasyon na nag-uugnay sa Ex-PBB Housemate na si Andre Brouillette, na siyang naging kasama ng Beauty Queen sa America.

Photo: Instagram/ Rabiya Mateo

Makikita sa mga Instagram stories ni Rabiya ang mga video kasa-kasama si Andre, Sa mga post na ito ay tila sinusuportahan ni Andre si Rabiya sa kaniyang pagdalo sa isang event.

Ayon pa sa isang post ng netizen;

“Hmmm, Lets not jump into conclusions pero murag na Janine Tugonon 2.0 na atuang Ilongga Beauty”

Photo: Instagram/ Andre Brouillette

Makikita rin sa ilan pang mga post na magkasama ang dalawa na nagpapapicture. Nakakuha naman ito ng mga samut-saring reaksyon sa netizens.

Wala pa namang naging pahayag si Rabiya sa mga espekulasyon na baka nga nililigawan ito ng Ex-Pbb housemate na si Andre. Ngunit naging sentro parin ito ng usap-usapan sapagkat biglaan na lamang nawala ang mga larawan ng beauty queen sa Instagram posts ng kanyang boyfriend.

Anong masasabi ninyo? Pag-usapan natin yan sa comment section!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *